Paano pumunta ng Tagaytay?

Ano muna gagawin mo?

Kung sa Tagaytay Junction din lang yan, para kumain sa Jollibee :), eto:

Saan ka man sa Maynila, kailangang marating mo muna ang EDSA kanto ng Taft Avenue.

Kung ayaw mo naman, saan ka man, mag.abang ka ng byaheng ALFONSO (Cavite).

PAANO?

Mula EDSA-TAFT kasi, P 60.00 lang ang pasahe papuntang Tagaytay Junction, or Olivarez Plaza. Nandun ang Jollibee. Dun nagsasanga ang mga daan papunta sa ibang lugar.

ANO MERON? Eh di VIEW ng Taal Volcano!

SA Tagaytay-Calamba Road side:

  • Tagaytay Highlands
  • Tagaytay Picnic Grove
  • People’s Park
  • Faith Mountain (baba ka sa tapat ng People’s Park at maglakad ng 2-kilometro papasok sa daang papunta ng DapDap)

SA Tagaytay-Nasugbu Road side:

  • Mahogany Market (para sa masarap na chibabam at bulalo)
  • Taal Vista

Tignan ang mapa:

Wag ka mawawala. Libre magtanong sa, at mangulit ng kunduktor.

Dahil pag lumagpas ka sa Tagaytay Junction, over ka na! ๐Ÿ˜›

Masarap tumakbo sa Tagaytay. Maraming ruta na pwedeng gawin basta ang simula at katatapusan ay sa Jollibee. Bakit?

Magugutom ka. Giginawin. Mapapagod. OK. Mapapagod ka muna…at giginawin, bago ka magutom. Pwedeng rambol ito eh. Pwedeng giniginaw ka na bago ka pa mapagod at magutom o sabay sabay!

Pero kailangan mong magtipid.

So, Jollibee. ๐Ÿ™‚

Paparap-papap! Blog ko to!

PAANO UMUWI?

Aba! Bumalik lang sa pinang-galingan! Hehehehe.

Advertisements

One thought on “Paano pumunta ng Tagaytay?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s