Panggera

BA-ON

Checklist ng mga bala para sa malupit na akyat baba sa bundok at sapa:

  • honey in sachets
  • hydrite in sachets
  • orange juice 1 Liter
  • tubig – as many as you can!
  • hopia <<< ito ang tunay na life-saver!
  • salt sachets ng McDonalds <bibili ko ng french fries si Cyril>

Wag na wag:

  • iced tea ng green leaf
  • red tea (hibiscus)

Pwedeng subukan:

  • tomato paste 1/4 cup
  • yogurt 8 oz
  • carrot juice 3/4 cup
  • spinach (cooked) 1 cup

DISKARTE

Mabagal na pacing. 10 minuto hanggang 14 minuto lang bawat kilometro. Mas mabilis pag pababa. Konting effort lang pag paakyat.

Kailangang makapagpalit ng shoes at medyas pag lampas ng mahabang sapa or magdala ng pamunas para tuyuin ang paa.

Malupit ang KM 20 hanggang 30. Dapat wala ka ring patawad. Aktuwali, malupit ang ruta pagpasok ng trail. Iwasan magmadali sa road.

Mas mabuting maglublob sa malamig na falls bago bumalik. Sige, wag mo subukan. 🙂 Makikita mo.

Mas magaang ang bitbit, mas mabuti.

Magbalot ng sarili para sa init at lamig. Malamig ang simula – at mainit ang katapusan.

Note: ang KATAPUSAN ay hindi END-OF-THE-MONTH

Magbaon ng maraming panalangin at tiyaga. Pag wala ka nang kasabay – talk to Jesus! 🙂

Gamitin lahat ng pwedeng gamitin (hehehe – mata lang ok na!) para hindi maligaw. Maraming markers pero dapat mong makita at alam mong sumunod. Lumiko sa tamang likuan. Wag dumerecho sa kawalan. Take note!

Uulitin ko. Wag dumerecho sa kawalan…baka malibang ka at tumakbo ka lang ng tumakbo dahil merong tumatakbo sa unahan mo. Hindi lahat ng nasa unahan ay nasa tama! At hindi rin lahat ng ilaw ay kasali. LOLS.

Walang masamang magmatulin – basta tama ang tinatakbuhan!

GIRS

(wag na wag kakalimutan)

  • headlamp na may baterya na tumatagal!
  • sun visor at shades pag maliwanag na
  • extra handheld flash lights for me na merong bateryang tumatagal! (pektib to!)
  • hydration bag na may laman at pwedeng paglagyan ng kung ano anong naka-sachet.

Good luck sa lahat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s