MABABAW LANG AKO

© 04/28/2015 by Marlin B. Marilag.

Mababaw lang ako.

Makarating lang sa Baguio,

Makasampa lang ng Tagaytay,

Makaikot lang sa Divisoria,

…na kasama ka, masaya na!

Mababaw lang ako.

Makita ko lang ang paglubog ng araw,

Maramdaman ko lang ang hangin ng pamaypay,

…na katabi ka, masaya na!

Sobrang babaw ko.

Samahan lang kita sa palengke,

Sabayan lang kita lumakad,

Saluhan lang kita kumain,

..masaya na!

Ilang taon na ba?

Di naman kumukupas ang ganda mo.

Wala na akong bagang.

Di na ako masyado makanguya.

Maganda ka pa rin!

Salamat sa atin. Na nagkaron ng tayo.

Sa dulo na magkakaalaman kung hanggang saan ang saya.

Pero dahil mababaw lang ako…

sobrang saya ko na!

🙂

#parakayCora #misisko

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s