Paano pumunta ng Agwawan Beach

Saan yun? Tingnan ang mapa.

3:00am ang byahe ng bus papuntang Mariveles, Bataan. Avenida man o Cubao. Bago mag-ala-6 ng umaga, nandun kana – tamang-tama lang sa pagbubukas ng Jollibee, Mariveles. P 280.00 ang pamasahe to Mariveles. Avenida man o Cubao ka galing.

Mula Jollibee, pwede kang mag.tricycle to Agwawan. P 80.00 ang byahe. 5-kilometers lang siya mula sa Jollibee. Pwede nga rin daw mag.PITCH ng tent near the beach. Kaso, wala kang matinong C.R. 🙂

Pauwi, ganun din. Tricycle ka muna. Tapos, bus na mismo sa tapat ng Jollibee. (nakakarami na ng promotion ito ah!)

3 hours or less ang byahe mula Cubao or Avenida to Mariveles. Ganun din pabalik. Depende na lang kung may kakaibang traffic.

Advertisements